Matagumpay na naisagawa ng GMBank ang huling yugto ng “Save and Celebrate a GOOD Life: A Blood Donation Initiative”

CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA — Sa pagtatapos ng makabuluhang tatlong linggong kampanya, matagumpay na naisagawa ng GMBank ang huling yugto ng “Save and Celebrate a GOOD Life: A Blood Donation Initiative” sa Corporate Head Office sa Cabanatuan City, noong Oktubre 3, 2025.

May be an image of 2 people, hospital and text that says 'PHILIPPINE + GMBANK TheGoodMoneyBank™ The Good Money Bank NINA A RED CROSA MBANKRDROD CROSS ECIJA www.gmbank.com.ph www. SAVE & CELEBRATEA A GOOD GOODLIFE LIFE blooddonationinitiative donation nitiative blood'
Ang nasabing programa ay bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) initiatives ng bangko, katuwang ang Philippine Red Cross–Nueva Ecija Chapter. Layunin ng kampanya na tugunan ang pangangailangan sa dugo sa mga ospital at sabay na itaguyod ang diwa ng bayanihan at malasakit sa GOOD Community.

Tatlong Linggo ng Pagbibigay at Pagmamalasakit
Sinimulan ng GMBank ang serye ng blood donation activities sa San Isidro (Old) Branch noong Setyembre 19, 2025, kung saan aktibong lumahok ang mga empleyado at kliyente na pinangunahan ni Microfinance Region II Head Angelito J. Mallari, binigyang-diin niya na ang pagbibigay ng dugo ay isang simpleng hakbang na nagdudulot ng malaking epekto sa mga nangangailangan.

Sumunod na ginanap ang ikalawang yugto sa Muñoz Branch noong Setyembre 26, 2025, sa pangunguna ni Microfinance Region I Head Celso U. Mangalindan Jr. Aniya, ang bloodletting activity ay simbolo ng pagkakaisa ng mga empleyado, kliyente, at lokal na residente. Mula sa 20 bags ng dugo noong nakaraang taon, mas pinalawak ng GMBank ang saklaw ng kampanya upang mas maabot ang mga benepisyaryo.

May be an image of 2 people, hospital and text that says 'GMBANK The Good Money Bank" GMBANK CMA PHILIPPINE NUEVA MUEL RED + CROSS ECIJA CHA CHA CHARMBAN CHANRANK GMBANK iMP GMBAI GM ΟЛ iMBANA CИB. WUANK > < GMBANK GMBANK www.gmbank.com.ph SAVE & CELEBRATE A GOOD GOODLIF+ SAVE&CELEBRATE LIFE @blooddonationintiative danation initiative blood'
Ang huling yugto ay idinaos sa Head Office sa Cabanatuan City, kung saan muling nagkaisa ang mga kawani ng bangko upang ipagpatuloy ang adbokasiya ng pagbibigay-buhay sa kapwa. Sa kabuuan, nakalikom ang GMBank ng 48 bags ng dugo mula sa lahat ng sangay sa bilang ng 18 mula San Isidro, 19 mula Muñoz, at 11 mula Head Office.

Matagumpay na Pagtatapos at Malalim na Layunin

Ayon kay Mariel P. Perez, Senior Communications Officer ng GMBank Social Media and Corporate Communications Unit, ang matagumpay na pagtatapos ng blood drive initiative ay patunay ng sama-samang pagkilos ng GMBank. “Sa tulong ng Philippine Red Cross–Nueva Ecija Chapter, naging maayos at sistematiko ang bawat yugto ng aming kampanya. Ipinapakita nito kung paano nagkakaisa ang mga empleyado, boluntaryo, at komunidad para sa isang layunin — ang magligtas ng buhay,” pahayag ni Perez.

May be an image of 4 people and text that says 'PHILIPPINE GMBANK The heGoodMoneyBank™ Good Money Bank NUEVA RED + ECIJA CROSS KCИAPTaR. CHAPTER AAHAR GMBANK M バ GMIANL www www.gmbank.com.ph SAVE & CELEBRATE AVE&CELEBRATEA A GOOD LIF+ blooddonatieriritiotive donation inftiative bleod'

Ang GOOD Money Bank ay kaisa para sa isang GOOD Community
Sa pagtatapos ng kampanyang ito, muling pinatunayan ng GMBank na ito ay higit pa sa serbisyong pinansyal. Ito ay nakaugat sa malasakit, serbisyo, at pagtulong sa komunidad.
Sa loob ng tatlong linggo, pinatunayan ng GMBank na ang pagbibigay ng dugo ay hindi lamang isang gawaing medikal, kundi isang konkretong hakbang tungo sa pagbuo ng mas matatag, at nagkakaisang lipunan.

Ang “Save and Celebrate a GOOD Life” ay nanatiling simbolo ng buhay, pag-asa, at kabutihang loob. Patunay na sa GMBank, ito ay isang pang-araw-araw na layunin, hindi lamang isang adhikain.

Related Post