Isang Pagdiriwang ng Tiwala at Pagkakaisa sa ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐ฎ๐๐ฏ๐ ๐๐๐ข๐ฃ๐
Palayan City Nueva Ecija โ Sa gitna ng tawanan, palakpakan, at samuโt saring kwento ng pagsisikap, muling pinatunayan ng Biyaheng GMBank: Pagdiriwang sa Pamayanan 2026 na ang microfinance ay hindi lamang tungkol sa puhunan, kung hindi tungkol din sa mga taong bumubuo sa isang komunidad. Nagsama-sama ang daan-daang microfinance clients ng GMBank mula sa Microfinance Cluster 2, na binubuo ng Microfinance Areas 4, 5, at 6, sa isang taunang pagtitipon na ginanap sa Palayan City, Nueva Ecija noong Enero 23, 2026.
Sa pagtitipon na ito binuo ng Microfinance Area 4 na sumasaklaw sa Central Nueva Ecija, na pinangungunahan ni Ginoong J Gerald J. Mendoza, Area 5 mula Southern Nueva Ecija hanggang Bulacan ni Ginoong Ryan E. Parungao, at Area 6 sa pamumuno ni Ginoong Victor M. Ramos, na binubuo ng mga sangay sa Tarlac at Pampanga. Ang taunang programa na ito ay nagsilbing pagpupugay at pasasalamat ng bangko sa kanilang mga GOOD community partners na patuloy na nagtitiwala, nakikipagsabayan, at lumalago kasama ang institusyon.
Nagsimula ang programa mula sa interaksyon ng mga kliyente at kawani, hanggang sa mga bahagi ng programang naglalayong palakasin ang ugnayan at pagbabahagi ng karanasan. Ani ng GMBank client na si Ginang Teresita ng Tarlac, na sa tulong ng GMBank, hindi lang negosyo ang lumago kundi pati ang kinabukasan ng kaniyang mga anak.
โMula sa maliit na sari-sari store sa aming bahay, nakapagpalawak ako ng bigasan at tindahan ng yelo. Dahil dito, napagtapos ko ang aking mga anak at isa sa kanila ay assistant manager na ngayon sa isang international company. Sa tulong ng GMBank, hindi lang negosyo ang lumago kundi pati ang kinabukasan ng aking mga anak,โ ani niya.
Binigyang-diin din sa pagtitipon ang mga susunod na hakbang ng bangko para mas mapalawak pa ang saklaw ng serbisyo nito. Ayon kay Ginang Chona Y. Co, Puno ng Branch Banking and Microfinance Group na patuloy na pinag-aaralan at isinusulong ng GMBank ang pagpapalakas ng microfinance operations, kabilang ang pagbubukas ng extension ng Microfinance sa iba pang bahagi ng Gitnang Luzon. Sa kanyang pahayag, ipinaliwanag ni Co na ang planong extension ay layong mas mapalapit ang serbisyo ng bangko. Aniya, mahalagang mailapit pa ang financial assistance sa mga kliyente nang mas maging malawak ang microfinance program sa aktuwal na pangangailangan ng komunidad.

Ang Biyaheng GMBank ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng bangko na naglalayong patatagin ang relasyon nito sa mga pamayanan. Ang taunang programang ito ay isang makabuluhang pagtitipon na kumikilala sa papel ng tiwala, pakikipagkapwa, at pangmatagalang ugnayan sa mga kliyente ng GMBank.
Habang nagtapos ang programa sa masayang salu-salo at pag-babalik-loob sa mga kliyente, malinaw ang mensahe ng pagtitipon ng programa. Na ang pag-unlad ay mas nagiging makahulugan kapag itoโy pinagdiriwang nang sama-sama.

Sa mga mukha ng mga kliyenteng nagtipon sa Palayan City, makikita ang bunga ng isang biyahe, hindi lamang ng bangko, kundi ng buong pamayanang patuloy na umaasang aangat, hakbang-hakbang, kasama ang GMBank.

