Microfinance Cluster 1 Nagtipon upang Ipagdiwang ang Partnership, Financial Inclusion, at ang Lakas ng GOOD Community.
San Jose City, Nueva Ecija โ Ikatlo at huling byahe na ngunit wala pa ring preno ang GMBank sa pag-bibigay ng pagkikilala sa kanilang mga microfinance clients mula sa ibaโt ibang pamayanan sa naganap na Biyaheng GMBank: Pagdiriwang sa Pamayanan 2026 sa Pag-Asa Gym, San Jose City, Nueva Ecija noong ika-6 ng Pebrero, 2026.
Nagtipon ang mga microfinance clients ng GMBank Microfinance Cluster 1, sa pangunguna ni G. Celso U. Mangalindan, Jr., katuwang ang kaniyang mga microfinance area heads na sina G. Elpidio B. Herrera, Jr. ng Area 1 sa hilagang bahagi ng Nueva Ecija at mga sangay sa Solano at Bambang, Nueva Vizcaya, G. Roderick G. Palad ng Area 2 na hawak ang mga sangay sa Probinsya ng Pangasinan, at ni G. Emmanuel E. Saturno ng Area 3 na responsible sa mga sangay ng hilaga at gitnang bahagi ng Nueva Ecija. Sa kabila ng lawak ng sakop, iisa ang mensaheng dala ng pagtitipon, ang microfinance ay isang pundasyon ng GOOD Community sa pag-angat.
Idinaos ang annual gathering bilang pagkilala sa mga community partners ng Bangko, mga kliyenteng hindi lamang benepisyaryo ng serbisyong pinansiyal, kundi aktibong kalahok sa paghubog ng mas matatag na community rural banking. Sa mga palitan ng kwento at karanasan, lumutang ang papel ng microfinance bilang tulay sa pagitan ng pangarap at aktuwal na kabuhayan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gng. Chona Y. Co ng Branch Banking and Microfinance Group (BBMFG), ang pasasalamat ng bangko sa patuloy na pagtitiwala ng mga kliyente. Ayon sa kanya, ang suporta ng komunidad sa mga produktong inaalok ng GMBank ang nagsisilbing lakas upang ipagpatuloy at palawakin ang Microfinance Programs sa ibaโt ibang sangay ng bangko. Aniya, malinaw ang direksiyon ng GMBank, na panatilihin ang pangmatagalang partnership sa mga pamayanan sa pamamagitan ng mas accessible at mas madaling serbisyong pinansiyal.
Dagdag pa ni Co, ang layunin ng GMBank ay hindi lamang magbigay puhunan, o tulong, kundi makibahagi sa pag-unlad ng komunidad. Para sa Bangko, ang mga kwento ng sipag at tiyaga ng kanilang mga kliyente ang patuloy na nagiging inspirasyon sa pagdisenyo ng mga programang nakaugat sa aktuwal na pangangailangan ng komunidad.
Sa ibang dako, binigyang diin ni G. Jose, isang GMBank client, ang kaniyang kwento sa kaniyang pag-sasaka. Giniit niya na noong hindi pa siya miyembro ng Bangko, ay nagkaroon siya ng problema sa pag-bubudget ng kaniyang bukid. Dagdag pa rito, naranasan niya ang pag-antay ng tulong pinansiyal sa kaniyang barangay para sa tulong sa kaniyang bukid. Ngunit, noong naging bahagi siya ng Bangko, ay malaking diperesnya ang nangyari sa buhay niya dahil maasahan ang programang kinabilangan niya.
โSa ngayon, dahil sa tulong ng GMBank, may naipupundar ako. Wala akong iniisip na mabigat dahil wala akong pinoproblema.โ, ani Jose, isang magsasaka.
Samantala, sa pagbubukas ng programa ay nag-bigay aliw ang mga microfinance staff, para sa kanilang community dance.
Kasabay nito ay nagkaroon din ng libreng haircut, at serbisyong kosmetiko na galing sa mga mamayanan ng San Jose. Bukod dito ay nagkaroon din ng pag-bibigay ng raffle prizes para sa mga kliyente upang mag-bigay balik sa kanilang walang sawang pagtatangkilik sa tulong ng Bangko.
Sa pagtatapos ng programa, malinaw ang mensahe ng Biyaheng GMBank na ang tunay na sukatan ng microfinance ay hindi lamang nasa numero, kundi sa tibay ng relasyong nabubuo sa bawat pamayanang tinatahak.
GMBank is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas. https://www.bsp.gov.ph โ

