Pagkilala sa mga Kliyente at Kaagapay ng Kaunlaran
Botolan, Zambales โ Sa pagbubukas ng taon, sinalubong ng ngiti, tawanan at galak ang mga panauhin matapos maghatid ng makabuluhang pagdiriwang ang โBiyaheng GMBank: Pagdiriwang sa Pamayanan 2026โ. Ang pagtitipon na ito ay pinangunahan at inorganisa ng GMBank – The Good Money Bankโข upang higit pang patatagin ang ugnayan ng bangko sa mga pamayanang pinaglilingkuran nito at bigyang-pugay ang mga kliyente at community partners na patuloy na kaagapay sa pag-unlad na naganap sa Botolan Event Center nitong Enero 16, 2026.
Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang GOOD Community sa pamamagitan ng pagkilala sa mahalagang papel ng mga kliyente sa tagumpay ng bangko. Bilang bahagi ng selebrasyon, namahagi ang GMBank ng ibaโt ibang raffle prizes at itinampok ang mga masiglang pagtatanghal mula sa mga GMBank Microfinance Officers, na nagbigay ng kagandahang-loob at sigla sa buong programa.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gng. Chona Y. Co ng Branch Banking and Microfinance Group (BBMFG) ang kahalagahan ng pag-abot sa mga malalayong lugar ng komunidad. Ayon sa kanya, ito ang pangunahing dahilan kung bakit nagtatag ng sangay ang GMBank sa Zambalesโupang mas mailapit ang serbisyong pinansyal sa mga nasa malalayong pamayanan at mas maraming Pilipino ang mabigyan ng oportunidad.
Samantala, sinabi naman ni G. Angelito Mallari ng Microfinance Cluster 2, na ang matagumpay na pagsasagawa ng programa ay naging posible dahil sa patuloy na tiwala at suporta ng mga kliyente ng bangko. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng community building sa lahat ng sangay ng GMBank bilang pundasyon ng pangmatagalang relasyon at sama-samang pag-unlad.
Pinangunahan ang naturang kaganapan ni G. Richard Lopez ng Microfinance Area 7, na kung saan sakop ang Probinsya ng Zambales, katuwang ang mga Microfinance Supervisors at Field Officers na sakop ang mga lugar sa Porac at Zambales, na sama-samang nagsikap upang maisakatuparan ang isang programang nagbibigay-diin sa malasakit, pasasalamat, at pagbabalik sa komunidad.
Ilan sa mga kliyente ang nagbahagi ng kanilang personal na karanasan at pasasalamat sa GMBank. Binigyang diin ni G. Grace Mallari ang malaking benepisyo ng GMBank. Wika niya ay sa personal, malaki ang tulong ni GMBank dahil mas mababa ang percentage [ng interest] kumpara sa mga lending [at iba pang bangko].
Dagdag pa rito, nagbahagi rin ang ibang kliyente sa naging epekto ng mga loan na kanyang nakuha mula sa bangko. Sinabi niya sa isang panayam na noong unang beses niya mag-apply ng serbisyong pinansyal sa GMBank, idinagdag niya itong pamuhunan sa palengke. Matapos ng kaniyang pangatlong availment ng loan, ay nagkakaroon na ang nasabing kliyente ng savings account na na-withdraw niya para sa pang-renta ng upuan at lamesa โ na siya ring naging negosyo niya kinalaunan.
Samantala, isang makabagbag-damdaming kuwento ang ibinahagi ni G. Evelyn, na nagsalaysay ng kanyang paglalakbay mula sa pagiging empleyado hanggang sa pagbuo ng sariling kabuhayan. โDahil po sa GMBank, nakapagpatayo ako ng talipapa at pangarap kong magkaroon ng tindahan. Dati kasi nagtatrabaho ako bilang utility ng school, pero nung nagsimula ako sa โฑ12,000 ngayon, dalawa na college ko, nandito pa din po ako sa gmbank. Kaya nagpapasalamat ako sa suporta ng gmbank sa akin.โ Kwento ng G. Evelyn kung paano siya nag-simula sa baba, patungo sa GOOD success.
Sa kabuuan, ang Biyaheng GMBank: Pagdiriwang sa Pamayanan 2026 ay muling nagpatunay sa paninindigan ng GMBank na hindi lamang magbigay ng serbisyong pinansyal, kundi maging tunay na katuwang ng mga pamayanan sa pagbuo ng mas matatag, inklusibo, at maunlad na kinabukasan.
Sa bawat ngiti, kwento, at aktibidad, pinatunayan ng Biyaheng GMBank: Pagdiriwang sa Pamayanan 2026 na ang tunay na paglago ay nakakamtan kapag magkatuwang ang bangko at komunidad sa bawat hakbang ng pagbabago. Ito rin ay isang daan o paraan na sa bawat hakbang ng GMBank kasama ang komunidad, mas matibay ang pundasyon sa mas maunlad na bukas para sa lahat.
Matagumpay na Tinapos ng GMBank ang 3-Linggong Blood Donation Drive kasama ang Red Cross Nueva Ecija

